How to Make Money in the Philippine Stock Market (5 Ways!)

Updated: Aug 5

Alam ko na gusto mo ding kumita ng pera sa stock market. Sino bang hindi diba? kaya nga napadpad ka sa page ko kasi naghahanap ka din ng ibang paraan para kumita ng pera sa stock market. Ito ang 5 careers na pwede mong maconsider maliban sa pagiging stock trader sa Philippine Stock Market.




STOCK TRADER


Sila yung mga katulad natin na kumikita ng pera sa pagbuy and sell ng shares ng stocks.


Ang goal ay makabili ng murang stocks at maibenta sa masmataas na presyo.


Kailangan ng mataas na knowledge, effectice strategy, at technical skills kung gusto mong magijng successful stock trader.


FUND MANAGER

Sila yung mga professionals na ang trabaho ay magmanage ng equity fund, private man o public. Ang equity fund o pondo ay ang pinagsasamasamang capital ng mga private investors.


Ang mga Fund Managers ang nagdedecide kung saan nila ilalagay na klase ng asssets ang pondo.


Kailangan na may mataas kang kaalaman at experience pagdating sa stock market kung gusto mong maging fund manager.


Kumikita ang mga fund managers sa form ng sahod o management fee na binabayaran ng bawat investors.


STOCK BROKER


Alam mo naman siguro na kailangan mo ng Stock Broker Account para makapag-trade o makapg buy and sell ng shares ng stocks dba?


Kumikita ang mga brokers sa commission na binabayaran mo sa bawat transactions.


Hindi para sa lahat ito dahil kailangan mo ng company at infrastructures para maging broker.


Malupit lang kasi kumikita ka kapag may nagbebenta o bumibili. astig hindi ba?



MENTOR o GURU


Sila yung experienced stock trader at ilang taon na sa stock trading business.


Hindi lahat ng magagaling at profitable trader ay nagooffer na magturo.


Kumikita ang mga Mentors sa mga inooffer nilang mentorship programs o packages.


Maging mapili ka lang sa mga gusto mong maging mentor. Ang pagpili ng mentor ay tulad ng pagpili sa mapapangasawa kasi tulad sa pagaasawa, ang mentor mo ay makakasama mo habambuhay sa hirap at ginhawa.


INFLUENCER


Sila yung maliban sa galing sa pagbabasa ng charts at paghihimay ng news, ay may lintik na karisma.


Mga taong hindi naiilang sa harap ng lente.


Kumikita sila sa mga ad revenues, website ads, product affiliates, at iba pa.


Madaming traders na makikita mo sa social media kasi nga naman, wala kang talo, ang kita din dito ay depende sa sipag mong gumawa ng content na related sa stock trading at kung gaano kadami ang naniniwala sayo.


Bottomline..


Madaming paraan paano kumita ng pera sa stock market, depende na lang talaga sa personal preferences at personality mo.


Importante sa lahat na nageenjoy ka sa ginagawa mo.


Tandaan mo na kung gusto mong kumita ng pera, kahit sa anumang career, kailangan natin na pagaralan at alamin ang mga skills na dapat meron tayo.


Maglaan tayo ng oras sa pagaaral lalo ng mga bagong skills.

Disclaimer: I am not a financial advisor, so please review all of this information with a registered financial advisor first.

19 views0 comments

Recent Posts

See All